Kahit nasa America na ako, hindi ko maalis na magdagdag ng "star" sa aking Christmas decorations. Parol eh...hindi Pinoy ang Pasko kung wala akong parol. At heto ang pinakamalapit sa parol na kinaya kong gawin...Una, meron akong mga kawayan na pinag-hugis "star" at tinalian ko ng hose na me mga ilaw pamasko...
Tapos, me mga "star" na gawa sa "colored glass" na binili ko online, na kinabitan ko ng ribbon para magmukhang parol gaya ng sa Pilipinas. Lima ang binili ko. Hindi ko lang malagyan ng ilaw unless bibili ako ng de-baterya.
At ngayong marunong na akong gumawa ng tunay na wreath, walang limit ang imahinasyon ko kung pano ko dedekorasyunan ang wreath...eh ano pa nga ba kundi maglagay ng star sa gitna...Dalawang wreaths ang nilagyan ko nito.
The rest of my Christmas outdoor decors are mainly American...pero alam nyo naman sa kahit sa Pinas, merong Santa Claus at Christmas tree at snowman...
Eh pano naman ang kainan ng Pinoy Christmas Party??? Syempre hindi kumpleto ang Paskong Pinoy kung walang lafangan/chibugan...eh di tingnan dito.










